Oxygen Leaks
Pagsamo ng Kalikasan cover image

Pagsamo ng Kalikasan

Release Date: Wednesday, January 15th, 2025
Pages: 73 pages
'Pagsamo ng Kalikasan' by Keith EL Daquipil follows teacher Teresa Lacsamana as she investigates the mysterious death of a promising student, navigating local legends of enchantment and ancient curses in a remote Philippine village.

Available At

Full Description

Sa malayong bahagi ng kabundukan sa probinsya ng Pilipinas, lumipat ang dedikadong guro na si Teresa Lacsamana para turuan ang mga batang katutubo. Napakaganda ng paligid, isang luntiang kagubatang tila perpekto at hindi pa naaapektuhan ng modernong mundo. Pero hindi nagtagal, isang trahedya ang bumalot sa tahimik na baryo. Natagpuan ang isa sa pinakamatalino niyang estudyante, si Elias, na wala nang buhay. Sinasabing nagpakamatay siya, pero para kay Teresa, hindi ito simpleng kaso. Labis siyang nasaktan at sinisisi ang sarili, kaya’t naging misyon niya ang alamin ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Elias.
Sa kanyang pagsisiyasat, nalaman niya ang mga kwento ng mga taga-baryo tungkol sa engkanto - mga mahiwagang nilalang na pinaniniwalaang nakatira sa kagubatan. Ayon sa kanila, si Elias daw ay isinumpa dahil sa paglapastangan sa sagradong lupa. Sa simula, inakala ni Teresa na purong pamahiin lang ang mga ito, pero habang lumalalim ang kanyang pag-usisa, natuklasan niya ang mas malalim na misteryo. May mga tao pala na matagal nang nawawala, isang bahagi ng kagubatan na pilit iniiwasan, at mga nakakakilabot na kwento ng kakaibang nilalang na hindi maipaliwanag kung tao o diyos.